Question Home

Position:Home>Theater & Acting> Where can I fing Noli Me Tangere stage script for our play?


Question:It should be Tagalog


Best Answer - Chosen by Asker: It should be Tagalog

Which chapter are you doing anyway? XD

We took up Noli Me Tangere in first year and we had to present chapters by group..(same as El Filibusterismo last semester)..but I don't remember much of the story now..waaah.

Anyway, I suggest you try reading your kabanata (chapter) and discern what's significant. Put into pen what you imagine is happening as you read on..it works, ya know! hehe..

You can also try visiting http://www.viloria.com/secondthoughts/ar... for chapter summaries.

---------

Oh yeah, I have some scripts for some chapters..

--------

Kabanata IV: Erehe at Pilibustero

EREHE AT PILIBUSTERO
Kabanata IV ng Noli Me Tangere
Pangkat 3 ng 1-Gold

[Intro: Background Scene.
(Sorbetero): Sorbetes! Sorbetes! ]

[Narrator enters. Walking towards audience.]
(Narrator): Ito ang daáng Sacristia, kung saan nagsisimula an gating kwento. Halina po kayo, at muli nating balikan ang mga eksenang naganap sa ikaapat na kabanata ng nobelang Noli Me Tangere ng ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal.

“Erehe at Pilibustero”, isang dokumentarya ng ikatlong pangkat.
[Narrator exits.]

(Sorbetero): Sorbetes! Sorbetes! [Sorbetero shouts until exit.]

[Narration during action:
Ibarra enters slowly. Pauses. Looks around. Continues walking slowly.]

(Narrator): Naglalakad si Crisostomo Ibarra na ‘di batid ang destinasyon.
(Ibarra): Anong kababalaghan! Waring sa gabing ito’y nananaginip lamang ako sa nangyari sa akin sa loob ng pitong taon ko sa Europa!
(Narrator): Habang napamasid-masid si Ibarra ay may naramdaman siyang...

[Tinyente enters, puts hand on Ibarra’s shoulder]

(Narrator): …nakapatong na kamay sa kanyang balikat.

[Ibarra looks back. FREEZE.]

[Narrator and Interviewee enter. Walk to one side, talking.]

(Interviewee): Ah, si Tinyente Guevarra ho ang kanyang nakasalubong.

(Narrator): <To interviewee> Ganun ho ba? Si Tinyente Guevarra, kamo?
<To audience> Ah, ito nga po si Binibini <name>, isang sibilyang naroroon sa tagpuang nabanggit kanina.
<To interviewee> Matanong ho, ano naman ho ang ginagawa ng militar roon?

[UNFREEZE. Ibarra and Tinyente begin to talk.]

(Tinyente): Binata, mag-ingat kayo! Matuto kayo sa sinapit ng inyong ama!

[FREEZE.]

(Interviewee): Naroon ang tinyente upang paalalahanan si Ibarra na mag-ingat sapagkat nangangamba siyang matulad siya sa sinapit ng kanyang ama.

[UNFREEZE. Interviewee exits. Ibarra and Tinyente continue to talk.]

(Ibarra): Ipagpatawad ninyo, maaari n’yo bang masabi ang kanyang napalad? Ipinangako ni Don Santiago na bukas sasabihin.

(Tinyente): Ah, hindi n’yo ba nalalaman? Siya’y namatay sa bilangguan!

(Ibarra): Ang ama ko? Napiit sa bilangguan? Kilala n’yo ba ang aking ama? Alam ba ninyo?

(Tinyente): Kung ako’y di nagkakamali, siya’y si Don Rafael Ibarra, hindi ba?

[Ibarra in shock. FREEZE.]

(Narrator): Pinilit ni Ibarra na maniwala sa ika ng tinyente. Sinabi rin ni Ibarra sa kanya na ang huling sulat na kanyang nabasa’t natanggap mula sa mga magulang, isang taon na ang nakalilipas, ay nagsasabing huwag siyang maabala kung siya’y ‘di makakatanggap ng sulat mula sa kanila dahil mayroon pa silang inaabala. Sabi rin na siya’y magpatuloy lamang ng pag-aaral.

[UNFREEZE. Ibarra and Tinyente continue talking.]

(Ibarra): Ano nga ba ho ang dahilan ng kanyang pagkabilanggo?
(Tinyente): Isang marangal na dahilan. Halina po kayo’t itutuloy ko ang pagsasalaysay patungo sa kwartel.

[Tinyente and Ibarra exit to one side but continue talking.]

[Enter Don Rafael and others. SILENT MOVIE.]

(Tinyente): Si Don Rafael ay ang pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya’y iginagalang, mayroon naming naiinggit. Si Don Rafael ay marami na ring mga kagalit na Kastila at prayle.

[Don Rafael acts very rich and proud. Others stay behind him and backbite.]

(Tinyente): Ilang buwan pa lamang matapos ninyong lisanin ang Pilipinas, ay nagsimula ang mga samaan ng loob ng inyong ama at ni Padre Damaso. Sa panahong nagdaan, ‘di na rin nakakapagkumpisal si Don Rafael.

[Don Rafael and Padre Damaso have an argument.]

(Tinyente): Pinagbintangan si Don Rafael bilang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan.

[Military / Guardia Civil enter; one shows warrant of arrest; both capture Rafael Ibarra.]

[Military, with Rafael, exit.]

[Tinyente and Lawyer exit more until out of sight. Narrator takes Tinyente’s place, walking while narrating the below. Enter Lawyer, goes to center, acting busy, writing things.]

(Narrator): Gumawa rin ang tinyente ng paraan upang tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao.
[Tinyente rushes to lawyer.
Acts very worriedly and hastily, as if explaining very quickly. Lawyer keeps nodding.
Repeat actions until narrator finishes line “…abogadong Pilipino…”]

(Narrator): Kumuha pa nga ito ng isang abogadong Pilipino upang malitas ang kaso.

[Tinyente and Lawyer exit.]

(Narrator): Lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay ang pamumu? ng dugo sa ulo.

[Narrator exits. Tinyente and Ibarra become visible once more, still on the side.]

[Rafael enters as Tinyente narrates, rejoicing.]

(Tinyente): Nang luma?n, ang katwiran ay nagtupay din. Si Don Rafael ay malapit nang lumaya dahil tapos na ang lahat ng bintang laban sa kanya. Ngunit, …

[Don Rafael coughs, acting very sick until dies.]

(Tinyente): … siya ay tuluyang humina at namatay sa bilangguan.

[Tinyente and Ibarra continue walking around. Later, stop Walking.]

(Tinyente): Binata, ang iba pang pangyayari ay isasalaysay na lamang ni Kapitan Tiyago. Ngayon, magandang gabi po!

[Ibarra and Tinyente shake hands. Ibarra thanks Tinyente and exit in opposite directions.]

[Final Words:
Narrator walks in, to center, as Ibarra and Tinyente exit.]

(Narrator): At iyon ho ang mga naganap at mga pagsasalaysay sa sinapit ni Don Rafael Ibarra ayon sa ikaapat na kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.

Magandang hapon po.

--------------------

Kabanata LI: Mga Pagbabago

Mga Pagbabago
Kabanata 51 ng Noli Me Tangere

Narrator: Ang mahihiyaing si Linares ay walang-kibo at balisa ang kalooban.

[Linares sitting down, feeling blue; opens the letter looking at it sadly]

Narrator: Katatanggap lamang niya ng sulat sa wikang Kastila mula kay Donya Victorina:
Victorina (voice from background):
“Mahal kong pinsan:
Sa loob ng tatlong araw ay inaantay kong malaman sa iyo kung napatay ka na ng alperes o napatay mo siya; ayokong lumipas pa ang isang araw na ‘di maparusahan ang hayop na iyan. Kung matapos ang taning na ito at di mo pa siya hinahamon sa laban ay sasabihin ko kay Tiyago na kailanman ay hindi ka naging kalihim – ‘di mo nabibiro si Canovas, at di ka ka nakakasama sa kasayahan ni Heneral Arsenio Martinez. Sasabihin ko kay Clarita na pawang kasinungalingan ang lahat at di na kita bibigyan ng ni isang pera. Kung kakalabanin mo siya ay ipapangako ko sa ‘yo ang lahat mong maibigan. Titingnan ko kung kakalabanin mo siya at kung hindi ay ipinagpapauná ko na ‘di ka na makahihingi sa akin ng paumanhin o makapagdadahilan.
Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo nang buong puso,
VICTORINA DE LOS REYES DE DE ESPADA?A
Samapalok, Lunes, ika-pito ng gabi”
Narrator: Ang salitang ito ay totoong mabigat.

[Linares: mag-“drama”; “naig?”]

Narrator: Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.

Linares (to self; walking): Ngunit, paano? Kung murahin at kagalitan ako ng alperes? Kung matagpuan ko ang kanyang asawa? Sino ang papatol ng magiging padrino ko? Ang kura? Si Kapitan Tiyago? Sumpain ang sandaling ipinakinig ko sa kanyang mga payo! Sino ang nag-uutos sa aking ako’y maghambog, magsabi ng mga kabulaanan, maglangis at maghimas upang nakapagsamantala! Ano ang sasabihin ni Clarita? Ngayon ay aking nadarama ang bigat ng pagkakapamarali ko na ako’y kalihim ng tanang kagawad-bansa!

[Enter Padre Salvi]

Padre Salvi: Gonoong Linares, sadya’t nag-iisa kayo? At si Don Santiago?

[Enter Kapitan Tiyago and “magmano sa kamay ng kura”; gets belt and sumbrero]

Padre Salvi: Tayo na! Tayo na!

[Salvi about to leave; Tiyago and Linares follow]

Padre Salvi: Mayroon akong mabuting balita. Tumanggap ako ng mga sulat sa Maynila na nagpatotoo sa ibinalita ni ginnong Ibarra sa akin kahapon. Samakatwid, Don Santiago, ang sagabal ay naalis na.

[Maria Clara, who is between two other girls, attempts to stand but is too weak to.
Linares notices, looks embarrassed, looks back at Tiyago]

Padre Salvi: Unti-unti kong natataya na si ginoong Obarra ay isang binatang nakalulugod. Nang una’y ‘di tama ang aking palagay – siya’y may kapusukan, ngunit marunong namang mag-ayos ng mga kakulangan niya. Kung ‘di lamang dahil kay Padre Damaso –

[Salvi notices that Maria Clara was listening but continues to look at piano music sheet]

Linares: At si Padre Damaso po - ?
Padre Salvi (still looking at Maria): Opo, siya’y nagsabi na sapagkat inaama siya sa binyag ay ‘di niya matutulutang, datapwa’t inaakala kong malao’t madali kung si ginoong Ibarra’y hihingi ng patawad sa kanya, bagay na di ko pinag-aalinlanganan, ang lahat ay maaayos.

[Maria Clara stands, asks permission from Tiyago, goes to room with Victoria]

Tiyago: At kung ‘di siya patawarin ni Damaso?
Padre Salvi: Bahala na si Maria Clara. Siya’y kanyang kompesor. Ngunit pakiramdam ko’y may magkaunawaan sila.

[Enter Ibarra, Tiya Isabel follows.
Ibarra greets Tiyago and makes a slight bow to Linares.
Salvi stands and, in excitement, shakes Ibarra’s hand.]

Padre Salvi: Huwag kayong magtaka! Pinupuri kita!
[Ibarra thanks Salvi and approaches Sinang]

Sinang (happily): Saan ka buong maghapon? Nagtanungan kami at nagsabi: ‘Saan patungo ang kaluluwang ‘yan na nanggaling sa Purgatoryo?’ At lahat ay may iba’t ibang hula na sa ngayo’y aking ililihim at saka ko na sa iyo’y isalaysay.
Ibarra: Sabihin mo sa akin, kaibigan, si Maria Clara ba’y galit sa akin?
Sinang: Ewan ko. Sabi niya’y mabuti pang siya’y iyong limutin, at saka iiyak. Ibig nila Kapitan Tiyago at Padre Damaso na si Maria’y ipapakasal sa lalaking iyan (points to Linares). Nang nag-usap kami kaninang umaga ukol sa iyo at ipinakli kong “Baka’y umiibig na sa ibang dalaga,” ay sagot niya’y, “Mano nawa!” at saka tumangis.
Ibarra (di makakibo): Sabihin mo sa kanya na ibig ko siyang makausap sa sarilinan.
Sinang (napakunot ang kilay): Sarilinan?
Ibarra: Ganap na yaon na hindi kaharap ang binatang iyan.
Sinang: Mahirap ngunit aking gawan ng paraan.
Ibarra: Kailan ko malalaman ang sagot?
Sinang: Bukas. Magsadya ka sa bahay. Kailanma’y ayaw ni Mariang mag-isa at sinsamahan namin.

[Ibarra bids goodbye and leaves]


===================

I also have a sort-of newsreport for Chapter 9: Mga Bagay-bagay ukol sa Bayan...